06 September 2005

iT iS time fOr mE tO sAy mY pEaCe.


i am 22 years old, a college graduate, from the district of las pinas, and i too, like you, have been following the hearings, the news, and been reading the newspapers.

i voted for gloria during the 2004 elections because i believed she was the most capable of all the candidates to lead our country.

but simply put, in my house, school, and church, i was taught that cheating, stealing, and lying is bad. sa inyo, hindi ba ganun din? no leader of my already suffering country should be able to get away with that.

so yes, i want the impeachment to push through. and i think what’s happening in congress, right now, while they’re voting, is an injustice to country.

to all the young people like me..

nalulungkot ako pag naririnig ko ang mga kaibigan kong sinasabi na, “okay na ako kay gloria, wala naman ibang papalit eh.”

ikaw, na nabubuhay araw-araw na hindi nagnanakaw ng pera sa trabaho, na sinusubukang wag mandaya sa exam, at wag magsinungaling sa magulang o kaibigan.. papayag ka lang na ang presidenteng nagpapatakbo ng bansa mo, ganun? ikaw, nagpapakahirap ka araw-araw mag-aral at magtrabaho ng marangal, tapos dahil lang may power at pera ang pangulo, kahit walang dangal, okay lang yun sa iyo? napaka-walang bilib naman natin sa bansa natin. nakakalungkot naman na ang ganitong klaseng pangulo na lang ang best option natin. okay lang ba yun sa iyo?

ibang-iba ang laban na ito. the people who want the truth to come out aren't upholding one person to replace her. some say this is the downfall of the opposition. i think its the strength. it only means na hindi personality-driven ang panawagan ng mga tao. its ideal driven. the ideal na dapat mawala ang corruption sa gobyerno.

yes, it doesn't just take the changing of a president to change the country. but it has to start! if people keep saying na lahat kailangan magbago, pero hindi naman nasisimulan, aba never na mangyayari ang pagbabago! the ousting of gloria will not clean the system in one snap, definitely, but it will prove to everyone that change CAN happen.

nafru-frustrate ako pag sinasabi ng mga kaibigan ko na, “okay lang na nandaya at nangurakot siya, lahat naman din ng iba, ganun.”

what an answer naman.. rizal, bonifacio, ninoy, and all our other heroes must be crying in their graves. sila nga, they fought for freedom of the country, di man lang personal freedom lang, and they fought na buhay ang sinasangla nila. tayo nga, we are free people, and “what is right” na nga lang ang pinaglalaban natin, di pa natin magawa. hindi na nga buhay ang on the line dito eh, konting discomfort na lang, di pa natin magawa.

at ang evat. papayag ka ba na lumaki ang gastos mo sa gas, load, pagkain, pang-shopping, dahil kailangan pa DAW ng pera ng gobyerno para magbayad ng utang? patunayan muna nilang hindi nila kinukurakot ang pera bago sila humingi sa atin! diba tama lang yun?

professor randy david, in his recent article “salute to the new” in the philippine daily inquirer, wrote “[we] deserve a better president, and this generation knows it.” tama siya! don’t you think we deserve to have a better leader? don’t you think we deserve to be treated better?

we deserve a better philippines, and this generation knows it.. more than that, this generation knows that we CAN do something about it. so LET US do something about it.

to all the congressmen..

tinatawag po kayong “representatives” of your respective districts, dahil kayo po ang boses ng mga mamamayan sa gobyerno.

kung lahat po ng surveys, sinasabing napakalaking porsiyento ng mga pilipino ang wala nang tiwala sa pangulo, at mayorya daw ng mga pilipino ang naniniwalang nandaya, nagnakaw, at nagsinungaling ang pangulo, hindi ba po dapat ang boses na yun ang naririnig natin sa kongreso?

madami ring reports ang nagsasabing kahit naniniwala ang taong guilty si pangulong gloria, pagod na silang mag-rally. kaya magtatrabaho na lang sila para makapaglagay ng pagkain sa kani-kanilang tiyan. kahit gusto nilang malaman din ang katotohanan, iba ang kailangan nilang piliing gawin para lang mabuhay.

ayaw na nilang mag-rally, ayaw na nilang makialam sa pulitika, dahil pakiramdam nila,
wala silang magagawa.

which is where you, our supposed-to-be-honorable congressmen come in. pwede po ba? fight for those who can’t fight for themselves.

to all the pro-impeachment movers.

i hope what people accuse you of, having selfish motives, isn't true. i hope everyone just really, honestly, and sincerely, want to make a big start in eliminating corruption.

to madam gloria macapagal-arroyo..

i say this with all due respect, pero, mahiya naman po kayo.

the other day, when the supreme court said the e-vat is constitutional, you called on your people.. kahit hirap silang makakuha ng pagkain sa mesa nila araw-araw, kahit gula-gulanit ang damit ng mga anak nila, kahit napapabayaan silang may sakit dahil walang serbisyo medical na sapat, kahit halos kulang pa ang sweldo nila sa pambayad nila ng pagkain at gas, kahit nagpapatayan ang mga tao dahil lang kailangan nila ng pera.. you called on your people, in your to SACRIFICE for the greater good of the country.

mahiya naman po kayo.. lead by example. MAUNA PO KAYO. sacrifice. we respect that you don’t want to step down. pero patunayan niyo munang hindi ninyo kinukurakot ang pera ng bansa, bago ka humingi ng mas madaming buwis sa min.

when your kids were growing up, and let’s say mikey came home extremely late from a party. didn’t you ever ask him, “mikey! anong oras ka na umuwi? saan ka nanggaling?” diba gugustuhin mo pong magsabi siya ng totoo? diba masasaktan ka kung nagsinungaling siya at pinagtakpan ng mga kaibigan niya? at hindi ba magagalit ka kung nung tinanong mo siya, eh hindi ka sinagot, tinalikuran ka, at nag-lock sa kwarto?

mahiya naman po kayo.. baliktarin niyo po ang sitwasyon ngayon. di na po bilang pangulo, pero bilang ina. napakasama niyo naman pong ehemplo sa mga bata.

when it was former president estrada who was accused of different crimes, you were strong in saying that a political crisis calls for a political solution. you even added that you “regret to say but resignation is the only solution.” i was strongly anti-erap, and so were majority of the filipinos, kaya kami nagpuntang edsa, para manawagan kay erap na mag-resign.

mahiya naman po kayo.. dapat, the same applies to you now. dati, resignation ang solution. biglang ngayon, chacha ang solusyon. niloloko niyo po ba kami?

i voted for you during the last elections because i believed kailangan ng bansa ng magaling na ekonomista. pero with the basic values taught to me in my home, school, and church, i know na ang hindi kailangan ng bansa natin ay ang mandaraya, magnanakaw, at sinungaling.

yes, we should move on, for our country’s progress. but it should start with you, our leader. if the allegations are not true, how hard is it for you to just answer? regain the trust of your people, so that we can ALL work together for a REAL take-off.



. . .

to those who were able to read this, i hope you do not take anything against me. i just really believe that this generation is different. we’re strong, hardworking, idealistic, real, and free. we are smart enough to know when something very wrong is happening right in front of us. more than ever, now is the perfect time to start making our country better. i hope you believe so too.



. . .

thank you, thank you, thank you to abster, aerol84, aimee, alrenz, alvincemp's, amz, angel, angel (the second!), angel (the third! ang daming angel ah! :p), angge, ariane, avid, aya, ayeza, ben-ariel, benjie, bonski, booma, bubbles, caitlin-dsy, caliboy, camille, cao, carla calu, cheddar, cheenee*x, chezka, chie, chii, chubby, clare, cline, cris, dave, dawnie, dea, deyns, dianne, donna, eli, ella, ewak, franchesca, franz, freyti, gani, gen, gretel, haring ulan, hipstah, hubbub, ilse, ina maica, ish, ivy, jagaruga, jamie, janelle, jean, jempot, jenny, jepi, jesh, joanne, jonee, julie, kai, kat, kat (number two!), kathy, kaye, kharen, khel, kim, kittie, kym, larry, liz, lnzville, lourdes, mai, maine, marco, mari, marie, maris, marky, marvin only, matt, micheee, mightykenneth, mika, nhestor, nikki, pakialamero, pammy, pauline, pumpkin, razellann, regina, renz, rex, rhea, rjay, roanne, rolly, russ, shai, shari, she, sheyna, shna, shona, soloflite, stephen, stitch, sunset_eyes, supercow, tinapots, tins, tracy, trickyboy, tring, trisha, triszh, vj, wilhelm, wendy, and yabe!

8 comments:

Anonymous said...

hi bianca... it's my first time to read about ur blog... at na-feel ko upon reading this (kahit matagl na) e sobrang eye-opener... hanggat si madam president ang kaupo medyo malabo na pagkatiwalaan pa siya lalo na ng mga kabataan lalo na nung lumabas ung isyu ng Hello-Garci...

Anyway, im asking permission to put your link in my account... hindi ko po ilalagay hanggat d ka pumapayag...kaya sana payag ka na agad...

tnx

tin, 23

ayiiiiiii said...

hi miss bianca..

oh, wat can i say..?uhms.. ol the things u write in ur blog was true!! ndi p kze q butante nun.. pero qng voter na q nun, s bro.eddie villanueva boboto ko.. hehe.. wla kzng pdeng mgng tamang presidente kung walang takot sa Diyos.. A leader can be a a good leader if he/she have fear in God..
ate, ahehehe, pde nio po b q add sa ym nio?
if meron lng.. here's my email, rhoma0921@yahoo.com.ph..
tnx..
God bless you!!

cooLetbaiT said...

hi ms. versatile, i agree of what uv said..'d message 2 congressmen and 2 pgma'..our country shud deserve to have a good leader, a good leader shud be a good example to their countrymen,,dpat cla ang manguna sa CHANGE na sinasabi nla pra sa ating bansa..tama ka tau nagpakahirap magtrabaho ng maayos 4 d gud, sumunod sa batas na ginawa nla pero ang tanong cla ba ginagawa nla yun??hindi na nla mauuto ang mga tao ngaun,,matalino ang bawat isa sa atin kya wag nman nla gawing tanga ang mga tao para hindi maintindihan ang ngya2re sa ating bansa ngaun dba??hehe...peace out...

go..go..go bianc_g,,sana mging pres.of d phils.ka

Anonymous said...

hi bianca. first time ko lng nlaman n may BLOG k pla. alm mo b na i-kinda-idolizze-you at ngaun [hehe] huli ka na! i have also brown skin at kelangn ntin ipglban ang kulay ntin!haha. (baliw) mas nakilala n kc kita. haha. well anyway nbsa ko ung blog mo ntoh and obviously MATAGAL n sya. [i'm super late!]well isa din ako s mga tao na "NO CHOICE" kay Gloria. nkkainis man, hnd n nten alm kng cnu n ang dpt tlga mgng president. lht nman kc n umupo. kinakalaban ng tao. aun lng. so much to say.

well. thank you for reading my comment and maybe gmwa ndn ako ng sarili ko account. :]

Faina Daguio said...

hi ate bianca..wow!galing mo talaga..sana someday may tuamyong lider na may pananaw sa buahy gaya mo at may concern sa kanyang kapwa pilipino.Kahit andito ako iabng bansa..proud to be pinoy parin ako!..Tmakbo ka kaya sa politics..gooooH! ill support you..lolz.

Anonymous said...

alam ko super tagal na dapat nito... pero is it piece or peace?!? thanks :) i love reading your blog archieves kasi kakakita ko lang ng link kay ka pete

Anonymous said...

hi bianca...i've been reading your blogs but this one has been my favorite, although written 4 years ago, it still applies. You're right to say that we, the youth, should start this change because we're all smart enough to know that we deserve alot better than what the government has been giving us.

I'm ashamed to say that I was once part of that corruption, I was an SK Chairman and should've been part of the big change, but I was manipulated and I have no excuse, I let them manipulate me. I can say that even in the smallest of government organizations, there is corruption.

I hope there are alot more Biancas to help change this corrupt government of ours. The voice of the youth will be heard. It's time.

Thanks
Jov, 23

mario said...

I was at that age too, disillusioned about life, in Saudi Arabia, about how messy our life was then as it is now 26 years later. And things doesn't change, it's always hopeful, more often than not we find (young) people (like you) who cares, inspires, and light up the heavy burden.