07 October 2003

aNg saLiTaNg "hAsSLe".


madaming variations ang salitang "hassle". alam naman kasi nating lahat na sa mundong ito, madami talagang hassle. ngunit, may mga hassle na medyo hassle lang, meron namang mga sobrang hassle talaga. so isang araw, kami ng aking matalik na kaibigan na si pepel ay gumawa ng salita para sa iba't-ibang nibel ng hassle. gagamitin ko ang aking mga naranasan sa nakaraang linggo para ipaliwanag ito ng mas mabuti.

1 - hassleduck - nabanggit ko na ang salitang ito sa aking naisulat noong ika-16 ng setyembre. ang hassleduck ang pinakamababang nibel ng hassle. kung baga, medyo hassle lang. tulad ng nangyari sa amin ng kaibigan kong si dustin noong sabado, habang nagsasalita kami sa entablado ng glorietta activity center para sa event ng bigshot.. nagkakaproblema ang projector ng video kaya't ang dami naming beses kinailangan magpaumanhin sa mga manonood. bakit hassleduck? kasi hassle yun diba, kami ni dustin yung medyo mukhang eng-eng kasi may mga mali sa programa. pero ayos lang. masaya naman ang event. kung bakit duck, hindi ko alam. may ebolusyon ang salitang ito, mula sa hasslehoff, naging hasslehorse, at ngayon naman ay hassleduck na.

2 - hasslefeck - ang pinakamalupit na nibel ng pagka-hassle. wala pa naman akong naeenkuwentro na ganitong kalupit na nibel ng hassle sa ngayon. (salamat sa diyos!) ngunit ang mga ehemplo nito ay ang pangangaliwa sa kasintahan, pagkakabagsak sa klase, o di kaya'y pag-aaway sa pamilya. ito ang iyong tinatawag na "traumatizing experiences". noong sabado din, habang nasa makati ako kasama ang aking mga kaibigan, nakakita ako ng isang pangit na hassleduck, na kapag nakikita ko ay nahahasslefeck ako dahil naaalala ko ang nadaanan kong hasslefeck sa aking nakaraan. (sa mga nakakakilala sa akin, sigurado akong alam niyo kung sino ang sinasabi ko. :p) kung bakit feck, kasi masyado namang bulgar ang f*ck. kaya't feck na lang. mas pinoy pa ang tunog.

3 - hassledeck - ang gitna ng "hassleduck" at "hasslefeck", kung baga, sobrang hassle, pero okay pa, kaya pa. isang halimbawa nito ay ang nangyari noong biyernes ng gabi sa may libis. ang oktoberfest ay naganap sa eastwood noong gabing iyon, at napakaraming taong nakatirik lang sa daanan ng isa, dalawa, hanggang limang oras dahil hindi gumagalaw ang traffic. yun, hassledeck yun.



oo nga pala, ito nga pala ay ang picture ng mga hassleduck. sa inyong mga napatigil na sa mga kanto ng ayala, sigurado akong nakita na ninyo ang mga hassleduck na binebenta.

kung bakit tagalog ang gamit kong lengguwahe ngayon, hindi ko alam. marahil ay napakataas lang ng nibel ng stress ko ngayon, kaya't naibigan kong magtalumpati ng pa-tagalog. (ang labo, wala atang koneksyon yun.) at hindi po ako naglalayong magpauso ng mga bagong salita, nais ko lang maibahagi ang aking nalalaman. salamat.

3 comments:

Anonymous said...

:)

weendi said...

hi bianca! nakakatuwa yung mga kaalaman mo! kahit na sobrang tagal na nitong post na to, ngayon ko lang nabasa. haha! napatawa mo ako.thank you! :)

BravekarenN said...

Hello Miss Bianca! :-) Sobrang nakakaaliw ang mga posts mo'. Isa sa pinupuntahan o ginagawa ko pag malungkot ako ay ang BLOG mo'.. Sobrang nakakatulong ito sa akin.. Naiinspired ako. Katulad ngayon. Tapos naisip kong basahin ko sa simula ang mga pinost mo.. :-) hiya akong magcomment sa mga posts mo.. Pero ngayon di ko mapigilan..hehehe. gusto ko lang maparating din na SALAMAT! Ung blog mo' ay parang isang kaibigan.. Lalo na pag nakakarelate ako sa mga pinopost mo o yung mga bagay na mapapasabi ako ng "oo nga" o ung makita ung masasayang nangyayare sayo. Sana pagpatuloy mo pa ang pagbblog. Nakakatulong ito. HAPPY 8th ANNIVERSARY sa blog mo... Hehehe! Di na ako nakabati sa hiya(para namang kaharap kita kung babati ako..hehe) di na din nakasale sa games.. Kase dapat address sa pinas diba? :) nga pala tanda mo ung mag nagsabi sayo ung SMILING EYES ka sa twitter? Ako yun.. Hehehe.. Tapos Nagreply ka. Natouched ako nun! Salamat Miss Bianca!:) May God bless you and your Family! :-) dami ko pang gustong ikwento kaso parang ang baduy ko na! Hahahahha! Ingat na lang lagi.. ^_^

Nga pala di ko na nasabi comment ko sa post mong ito.. Nakakatuwa ung mga hasslehassle words. Bagong salita!:) ang galing mo magexplain at pakiramdam ko isang teacher nagpapaliwanag. Thank you Ma'am! :D

Karenn Calinawan
Italy